Home » Archives » 29. May 2008

How to spot an investment scam

May 29, 2008

Sa light talk, isang TV program sa ABC 5, naimbitahan sina Francisco Colayco, author ng "Pera Mo, Palaguin Mo", kasama ang iba pang experts sa personal finance.  Isa sa mga usapan noon ay kung paano mo malalaman kung ang isang investment ay scam.  Ang mga sumusunod ay kanilang mga tip:

1.  The higher the return, the higher the risk.  If promised return is very high at sinasabi na guaranteed ang interest, meaning "no risk", ito ay very risky.

2.  Kung ang guaranteed interest ay above 2% per month or 24% per annum, mahirap na itong makamit.  Dapat mag-isip isip ka na.

3.  Kapag kelangan mong mag-recruit ng iba pang investor.

4.  Kapag puro sinasabi ay matataas na interest ay di sinasabi ang mga risk na involve sa investment mo.

5. Kapag sinasabi nila na sila ang bahala sa pera mo at di ka binibigyan ng impormasyon kung paano gagamitin o i-invest ito.

Posted by dexterslab at 3:27 pm | permalink | comments[16]