Home » Post Item » Simple lang ang Mutual Fund - Isang Maikling Kwento

Simple lang ang Mutual Fund - Isang Maikling Kwento

May 26, 2008

May 3 magkakaibigan na ang mga pangalan ay Juan, Pedro at Jose.  Sa 3 ito, si Juan pinakakuripot, este matipid (ehem..) samantala si Pedro ay laki sa layaw.  Si Jose naman maingat sa kanya pera dahil nga sa padala pa ng erpats nya galing sa Dubai.  

Isang araw nag-uusap sina Juan at Jose tungkol sa alkansyang nakuha nilang regalo noong pasko.  Pinagyayabang ni Jose na may Php 2,000 na laman na ito.  Si Juan naman may Php 5,000 na din.  Pumunta ang usapan nila kung paano mapapalaki ang pera nila.  Sabi ni Juan Kuripot, "Tol, deposito na lang natin para magka-interes!"

Nag-isip isip si Jose, sabi nya, "Pare, mababa ang interes sa bangko.  Ano kaya kung magnegosyo na lang tayo?"

Nag-isip silang dalawa ng negosyo, dahil sa mahilig sila sa maglaro ng playstation, nagkasundo silang bumili ng playstation 2 at pa-upa na lang sa mga kaibigan nila.

 Pumunta sila sa Megamall upang mag canvass ng presyo ng Playstation 2.  Nalibot na nila lahat ng mga computer shop sa 4th Floor ng Megamall pero lahat ng halaga ng Playstation 2 ay di bababa sa halagang Php 9,000.  Nanghihinaan na sila ng loob kung itutuloy pa nila ang balak nila.  Habang nanlulumo sila, nagkataong napadaan si Pedro ang mayaman nilang kaibigan.

"Oh mga parekoy, whazz up!?", tanong ni Pedro. 

Kinuwento ng 2 ang balak nilang negosyo.  Nagkainteres din si Pedro sa balak ng dalawa kaya pumayag syang magdagdag ng Php 3,000 sa pera ng dalawa para may pambili sila ng Playstation at CD games na din.

Hawak-hawak ang Php 10,000 bumili ang 3 ng playstation.  Pagkatapos ng masolusyunan ang isang problema, may isa na namang lumitaw. Pasukan sasusunod na linggo, mag-eenrol na naman sila sa college.  Sa panahon ng pasukan malamang wala na silang oras para patakbuhin ang negosyo nila.

Si Tisyo, isang kakilala ni Jose na mahusay sa negosyo, ay nag presentang sya muna ang magpaparenta sa playstation.  

"Papa-upa ko ng 100 kada araw," sabi ni Tisyo.

"Pero dapat me 10% ako sa bawat 100 na kita."

Pumayag ang tatlo.  Napagkasunduan din nila na sa bawat kita na 90 kada araw, paghahati-hatian nila ang 30 tapos ang 60 naman ay iipunin para sa pambili ulit ng isa pang playstation.  Sumang-ayon din lahat sila sa suggestion ni Jose na pwede silang mag-dagdag sa  ng investment para makabili ng isa pang playstation.

—————————————————————————————————————-

Ang kwento ng 3 magkakaibigan ay maihahalintulad sa isang mutual fund.

Sina Jose, Juan at Pedro ay mga individual na investor.  Dahil ang 3 ay may magkakahawig na investment objective subalit kulang ang kanilang pera maisakatuparan ito, pinagsasama-sama nila ang kanilang pera para lumaki at ma-invest at ibinibigay sa may taong me oras at kakayanan na mamahala nito.

Si Tisyo ay katulad ng isang fund manager.  Sya ang may taong me kakayanan para i-manage ang investment  ng 3.

Ang kasunduan nila ay mga ma-ihahalintulad rules sa isang fund management.  Pwede itong mag-declare ng dividend, pwede rin itong tumanggap ng dagdag na investment.  Ang 10% ni Tikoy ay matatawag na front load fee kung saan kinakaltas ang "sahod" para sa management.


Posted by dexterslab at 5:10 pm | permalink

Previous Comments

makakatulong to sa akin sa assignmeny=t ko thanks ha!!!!!!!!!!!

Posted by Crizza Mae Cobarrubias at July 7, 2008, 6:26 pm

salamat po sa inyong tulong!!! makakatulong to sa assignment ko!! thank yoU!!

Posted by reili at September 13, 2008, 10:00 pm

Wala na bang iba?
Tehn-chiueh na lang p0h..
This article is not interesting enought for our school paper. :(
well.. if you do know any site of any interesting short stories (filipino) please e-mail me at kacmarzo@hotmail.com

The again.. Tehn-chiueh!

Posted by Yeng at October 4, 2008, 7:11 pm

hi yeng. but its not supposed to be an interesting short story.:D

Posted by dex at October 6, 2008, 4:34 pm

la na bang iba?^_~
dag dag naman kau ibang impormasyon

Posted by mark at November 24, 2008, 6:50 pm

okey na rin 4 simple project!!!!

Posted by madonna at January 24, 2009, 10:35 am

hi! good morning.

i ‘am adamson v. diaz, presently connected at VITA Plus a natural juice drink. An alternative, preventive health care drink. With the following certifications, BFAD, HALAL and FDA Food Facility of USA.

i am looking business partner who can be a dealer. if you are interested you can contact me at 2130095/09162673531 or email adamndelta@yahoo.com. or you can visit our website www.firstvitaplus.com.

i am looking forward to have business with you soon.

thank you.

Posted by Adamson V. Diaz at May 4, 2009, 6:13 am

Add a comment