Home » Archives » 26. May 2008

Simple lang ang Mutual Fund - Isang Maikling Kwento

May 26, 2008

May 3 magkakaibigan na ang mga pangalan ay Juan, Pedro at Jose.  Sa 3 ito, si Juan pinakakuripot, este matipid (ehem..) samantala si Pedro ay laki sa layaw.  Si Jose naman maingat sa kanya pera dahil nga sa padala pa ng erpats nya galing sa Dubai.  

Isang araw nag-uusap sina Juan at Jose tungkol sa alkansyang nakuha nilang regalo noong pasko.  Pinagyayabang ni Jose na may Php 2,000 na laman na ito.  Si Juan naman may Php 5,000 na din.  Pumunta ang usapan nila kung paano mapapalaki ang pera nila.  Sabi ni Juan Kuripot, "Tol, deposito na lang natin para magka-interes!"

Nag-isip isip si Jose, sabi nya, "Pare, mababa ang interes sa bangko.  Ano kaya kung magnegosyo na lang tayo?"

Nag-isip silang dalawa ng negosyo, dahil sa mahilig sila sa maglaro ng playstation, nagkasundo silang bumili ng playstation 2 at pa-upa na lang sa mga kaibigan nila.

 Pumunta sila sa Megamall upang mag canvass ng presyo ng Playstation 2.  Nalibot na nila lahat ng mga computer shop sa 4th Floor ng Megamall pero lahat ng halaga ng Playstation 2 ay di bababa sa halagang Php 9,000.  Nanghihinaan na sila ng loob kung itutuloy pa nila ang balak nila.  Habang nanlulumo sila, nagkataong napadaan si Pedro ang mayaman nilang kaibigan.

"Oh mga parekoy, whazz up!?", tanong ni Pedro.  (more…)

Posted by dexterslab at 5:10 pm | permalink | comments[43]