Sa light talk, isang TV program sa ABC 5, naimbitahan sina Francisco Colayco, author ng "Pera Mo, Palaguin Mo", kasama ang iba pang experts sa personal finance. Isa sa mga usapan noon ay kung paano mo malalaman kung ang isang investment ay scam. Ang mga sumusunod ay kanilang mga tip:
1. The higher the return, the higher the risk. If promised return is very high at sinasabi na guaranteed ang interest, meaning "no risk", ito ay very risky.
2. Kung ang guaranteed interest ay above 2% per month or 24% per annum, mahirap na itong makamit. Dapat mag-isip isip ka na.
3. Kapag kelangan mong mag-recruit ng iba pang investor.
4. Kapag puro sinasabi ay matataas na interest ay di sinasabi ang mga risk na involve sa investment mo.
5. Kapag sinasabi nila na sila ang bahala sa pera mo at di ka binibigyan ng impormasyon kung paano gagamitin o i-invest ito.
May 3 magkakaibigan na ang mga pangalan ay Juan, Pedro at Jose. Sa 3 ito, si Juan pinakakuripot, este matipid (ehem..) samantala si Pedro ay laki sa layaw. Si Jose naman maingat sa kanya pera dahil nga sa padala pa ng erpats nya galing sa Dubai.
Isang araw nag-uusap sina Juan at Jose tungkol sa alkansyang nakuha nilang regalo noong pasko. Pinagyayabang ni Jose na may Php 2,000 na laman na ito. Si Juan naman may Php 5,000 na din. Pumunta ang usapan nila kung paano mapapalaki ang pera nila. Sabi ni Juan Kuripot, "Tol, deposito na lang natin para magka-interes!"
Nag-isip isip si Jose, sabi nya, "Pare, mababa ang interes sa bangko. Ano kaya kung magnegosyo na lang tayo?"
Nag-isip silang dalawa ng negosyo, dahil sa mahilig sila sa maglaro ng playstation, nagkasundo silang bumili ng playstation 2 at pa-upa na lang sa mga kaibigan nila.
Pumunta sila sa Megamall upang mag canvass ng presyo ng Playstation 2. Nalibot na nila lahat ng mga computer shop sa 4th Floor ng Megamall pero lahat ng halaga ng Playstation 2 ay di bababa sa halagang Php 9,000. Nanghihinaan na sila ng loob kung itutuloy pa nila ang balak nila. Habang nanlulumo sila, nagkataong napadaan si Pedro ang mayaman nilang kaibigan.
"Oh mga parekoy, whazz up!?", tanong ni Pedro. (more…)