Home » Archives » 28. April 2008

Live and let others live

April 28, 2008

Halos tatlong linggo na din ang nakakaraan mula ng ayusin naming mag-asawa ang mga kalat namin sa bahay.  Medyo madami kaming kalat: mga wrappers ng mga regalo namin sa kasal, mga karton ng mga regalong appliances, iba’t-ibang klase botelya na naipon ko sa loob ng dalawang taon, mga dyaryo at scratch paper.  Maayos naming inilagay sa mga plastic ang mga ito dahil maari pa namang silang ibenta. Matagal silang natambak sa kwarto dahil naman walang dumadaan na mga bumibili ng junks sa Pembo, Makati.  

Isang umaga ng Sabado, nagising kami ng malalakas na sigaw.  "Bote…Dyaryo…", sigaw ng magbobote.  Bilis-bilis akong bumaba upang tawagin sya.  

Nang nasa bahay na namin ang magbobote.  Pinakita ko lahat ang ga-bundok naming mga ibebenta.  "Para akong mag-shopping nito ah", masayang pagkasabi ng magbobote.

"Magkano naman yan lahat?"
"Mga sisenta pesos boss", tantiya sa akin.
(more…)

Posted by dexterslab at 5:01 pm | permalink | comments[9]