Home » Archives » April 2008

Live and let others live

April 28, 2008

Halos tatlong linggo na din ang nakakaraan mula ng ayusin naming mag-asawa ang mga kalat namin sa bahay.  Medyo madami kaming kalat: mga wrappers ng mga regalo namin sa kasal, mga karton ng mga regalong appliances, iba’t-ibang klase botelya na naipon ko sa loob ng dalawang taon, mga dyaryo at scratch paper.  Maayos naming inilagay sa mga plastic ang mga ito dahil maari pa namang silang ibenta. Matagal silang natambak sa kwarto dahil naman walang dumadaan na mga bumibili ng junks sa Pembo, Makati.  

Isang umaga ng Sabado, nagising kami ng malalakas na sigaw.  "Bote…Dyaryo…", sigaw ng magbobote.  Bilis-bilis akong bumaba upang tawagin sya.  

Nang nasa bahay na namin ang magbobote.  Pinakita ko lahat ang ga-bundok naming mga ibebenta.  "Para akong mag-shopping nito ah", masayang pagkasabi ng magbobote.

"Magkano naman yan lahat?"
"Mga sisenta pesos boss", tantiya sa akin.
(more…)

Posted by dexterslab at 5:01 pm | permalink | comments[1]

Hindi lahat ng problema sagot ay pera

April 3, 2008

Gusto mo bang umasenso?  Malamang lahat ay sasagot ng "OO" sa tanong na ito.  Pero magkakaiba ang pagkaintindihan natin kung ano ang ibig sabihin ng "asenso".  Maaring sa iba ang pakahulugan nito ay pagkakaroon nga BMW, Expedition o Fortuner.  Meron din dyan nag-iisip na ang pag-asenso ay pagkakaroon ng malaking bahay.  Hindi lahat ng tao ay pare-pareho ang pang-unawa natin sa salitang asenso.  Kaya mahalaga sa financial planning ay unawin mo kung ano para sa sarili mo ang ibig sabihin ng pag-asenso.

Halimbawa ko ang sarili ko.  Isa sa mga indikasyon na umaasenso na ako ay makapamasyal sa ibang-ibang lugar sa Pilipinas at sa ibang-bansa.  Ngunit hindi agad-agad ang sagot dito ay magkaroon ng pera pambili ng tiket.  Maaring iba’t-ibang paraan.  Pwede mong gawin ay magtrabaho ng maayos at ilabas mo ang sariling husay sa trabaho sa ganun makita ng boss mo ang galing mo.  Pagnakita niya ang galing mo at dedikasyon mo sa trabaho, baka sakaling bigyan ka ng training o scholarship na magiging daan mo para makapasyal sa ibang lugar.

Posted by dexterslab at 5:23 pm | permalink | Add comment