Home » Archives » 12. March 2008

I have returned!

March 12, 2008

Yan sa tingin ko ang pinakatamang sabihin pagkatapos ng matagal na pagkawala sa pagsusulat ng blog.  Nawala ako halos ng isang buwan dahil nakatutok ako sa paghahanda ng kasal namin sa simbahan ni Grace.  Ngayon balik na ulit sa pagtitipid; kelangan upang mas maging maginhawa ang buhay ng aking pamilya.

So, ano ang natutunan ko habang pinaghahandaan namin ang kasal noong Mar. 8?

Hmmm…eto ang ilang terminong napulot ko.

1. Pump-priming - madalas banggitin ito ni Roberto De Ocampo at FVR, ito ay pag-stimulate sa economy natin para umandar.  Sa totoo lang, ang perang ginagamit nila noon ay utang para pampatayo ng kalye, eskwelahan, palengke at para serbisyo publiko.  Ang epekto nito kapag nakita ng mga private investor na ginagawa ito ng gobyerno, na-eenganyo din silang mag-invest.  Ano nga ba ulit yung salitang yun? Pump….? :D

2. Compounding interest - sabi ni Einstein, ito daw ang greatest human invention.  Ang interes ay nakakainteres din.

3. Leveraging - ito daw ay "getting more for less".  Sa kasalukuyan me mga outstanding loan pa ako sa DepED Provident Fund pero ang interest nito ay mas mababa kesa sa interes nag kinita nito sa pamamagitan ng pagpapatayo ng bahay paupahan at pagdeposito sa AFPSLAI kung saan kumikita ito ng 18% na interes compounted quarterly.

Posted by dexterslab at 4:21 pm | permalink | comments[7]