Home » Archives » 05. February 2008

Double your money in 2 years: Karanasan ko sa Mutual Fund

February 5, 2008

Sure magandang pakinggan.  Standard sales talk ng mga ahente.  Pero gaano katotoo ito?

Aaminin ko, kung marunong kang mag-invest sa stock market kaya mo pang doblehin o kaya triplehin ang investment mo sa mas maikling panahon. 

Noong 1997, nag-invest ang aking ama ng Php 100,000 ko sa stock market.  Kwento nya sa akin, yung investment nya ay inutang pa daw sa GSIS.   Ibinili nya ito ng shares sa Jollibee at Petron noon initial public offerings nila.  Sa loob ng ilang araw bumubulusok daw pataas ang halaga ng shares ng Jollibee at Petron kaya bilis bilis naman syang nag encash ng kanyang investment.  Buti na lang kamo kasi bago magtapos ang 1997, bigla naman bagsak ang stock market dahil na rin sa Asian Financial Crisis noong panahon na yun.

Kung malakas ang loob mo, marunong sa stock market at may kaunting swerte, subukan mo sa stock market.  Subalit paano naman kung wala ka ng mga ito?  Saan ka pwedeng mag-invest para madoble ang pera mo sa loob ng 2 taon? (more…)

Posted by dexterslab at 6:13 pm | permalink | comments[1]