Home » Post Item » PhilAm Money Tree Part 2

PhilAm Money Tree Part 2

February 2, 2008

Habang binabasa ko ang mga article sa internet tungkol sa Money Tree, naiisip ko yung sinabi ng misis ko na maganda itong investment dahil na rin siguro sa narining niya sa mga co-teacher nya.  Ako din nagkaka interesado ako dito, pero madami din tanong sa isip ko na kelangan masagot. Sa kasalukuyan, totoo naman kelangan nating magkaroon ng insurance.  Ganun din, kelangan din tayong matutong mag-invest.  Ang tanong na naglalaro sa isip ko ay maganda bang pagsamahin ang insurance at investment tulad ng PhilAm Money Tree?

Ang insurance ay may pinapangakong fixed na amount kapalit ng perang binagay mo sa kanila pagkatapos ng ilang taon.  Sa invesment naman nagbabago ang halaga ng pera mo depende sa performance ng bonds or stocks na binili mo.  Sa Variable Universal Life Insurance tulad ng Money Tree, maaaring bumaba o tumaas ang halaga ng pera mo. 

Pero may maganda naman itong aspeto, may life protection and accident at healt coverage ka na 125% ng premium mo.

Siguro para lalo ko pang maintindihan ito, kelangan ko tagawan ang PhilAm. 

 

 

 


Posted by dexterslab at 10:26 am | permalink

Previous Comments

Nagenjoy ako sa pagbasa dito sa iyong blog kaibigan. sa aking pagbabasa ay napansin ko ang iyong post tungkol dito sa philam money tree. kung kelangan mo ng malinaw na paliwanag tungkol dito sa investment na ito ay maari mo din ako i-email. Pwede ko din ipaliwanag sa iyo ang iba pang produkto ng Philam para makapili ka ng investment at proteksyon na babagay sa iyong pangangailangan. Gusto din kitang batiin ng congrats sa iyong pagpapakasal.

Posted by Benedict at April 5, 2008, 9:12 pm

Add a comment