Home » Archives » February 2008

Money or Sex? Alam ko sagot mo!

February 23, 2008

Hahaha. Kakatuwa talaga pinoy.  No wonder, di umaasenso ang bansa natin dahil kadalasan sex lang laman utak natin.

Meron akong nabasa noon na mas mataas pa ang brith rate natin kesa sa growth rate ng ekonomiya natin, kaya bale wala ang 7.3 %GDP sa 2007 kung ang population growth din lang naman natin ay 2.34% (2000 Census).  

 Para maintindihan nyo mabuti ang sinasabi kong study, click nyo na lang ang picture at dadalhin kayo sa site nya.

Posted by dexterslab at 1:13 pm | permalink | Add comment

Kambal Tuko: Risk at Reward

February 22, 2008

Isa sa mga dapat malaman pagnag -invest sa mutual fund ay ang risk-reward concept.

Sa graph makikita ang level ng risk ng bawat mutual fund.  Ginamit ko dito ang standard deviation ng bawat mutual fund kada buwan.  Sa standard deviation kasi makikita mo ang fluctuations ng performance nila.

Kung mas ang fluctuation nila mas mataas ang risk, syempre mataas din ang reward. 


 

 

Posted by dexterslab at 8:03 pm | permalink | Add comment

Just came in! Mainit-init pa!

February 21, 2008

Bagong feature:

Blogcast ng blog ko.  First topic: Ethical Investing.

Enjoy listening and learning!

Posted by dexterslab at 8:56 pm | permalink | Add comment

Alam ba news?

February 20, 2008

Base sa librong binabasa ko, may 2 klase daw ang market:

Una ang primary market kung saan ginagawa ang initial public offering (IPO).  Ang IPO ay paraan ng mga kompanya na i-enlist ang mga stock nila sa unang pagkakataon sa market.  Sa pagbebenta ng shares sa IPO, kumikita ang kompanya na pwede nyang gamiitin para ma-expand ang business operations nya.

Pangalawa ay ang tinatawag na secondary market, dito sa market na ito hindi na kumikita ang kompanya.  Dahil ang mga shares of stock na ay nasa mga private investors, kapag nagkakaroon ng trades sa secondary market ang kumikita na dito ay ang mga private investors.

Ngayon ko lang nalaman to!!! 

Posted by dexterslab at 3:24 pm | permalink | comments[2]

Automatic Saving Scheme

February 18, 2008

Isa sa pinaka-importanteng office dito para sa mga empleyado ng DepEd ay ang DepED Credit Cooperative (DepEDCC).  Ito ay isang private cooperative kung saan ang mga miyembro nito ay mga taga-DepED din (natural!hahaha!)  Bago ka mag-miyembro dito, kelangan kang bumili ng shares of stocks ng coop na kukunin sa automatic loan na Php 20,000.00 na ibibigay nila pag-nag apply ka na miyembro. 

Taong 2003 pa yata ako naging miyembro dito.  Pero noong una, di pa ako conscious kung gaano kalaki ang maitutulong ng coop sa akin.  Nang malaman ko na yung shares of stock ay malaki ang interest kada taon.  Nakaisip ako ng paraan para kumita dito. (more…)

Posted by dexterslab at 5:34 pm | permalink | comments[4]