Home » Post Item » PhilAm Money Tree

PhilAm Money Tree

January 31, 2008

Madami din akong nagugol na oras sa paghahanap sa internet kung ano itong PhilAm Money Tree.  Pagtype mo sa google ang salitang "philam money tree" ang unang 2 links ay error lang ang lumalabas.  Yung mga sumunod naman ay pawang mga post sa mga forums nagtatanong din kung ano ang PhilAm Money Tree.  Sa mga na browse ko na site ito ang 2 na may maayos na impormasyon tungkol sa PhilAm Money Tree.

Ano ang sinasabi ng mga ito tungkol sa PhilAm Money Tree?

 Sa simpleng paliwanag, ang PhilAm Money Tree ay life insurance  na may kasamang investment, health at accident coverage.  Isang bigayan lang ang pagbayad dito (single-pay variable life insurance product) pero pwede kang magdagdag o magwithdraw.  Ang benepisyong makukuha sa life insurance at accident/health coverage ay 125% ng premium. 

Halimbawa ang premium mo ay Php 1M, ang total accident/health coverage mo ay Php 1.25M (Php 1M x 125%),  Ganun din ang computation sa life insurance mo.

Ang inilagak mo sa kanilang pera ay nilalagay din nila sa mga invesment products din nila tulad ng Philamlife Fixed Income Fund, Philamlife Equity Fund, Philamlife Dollar Bond Fund at Philamlife Global Bond Fund.  Ang kliyente ang magdedesisyon sa kung magkano ang porsiyento ng pera nya ilalagak sa mga investment products na ito. 

Ang minimun at maximum na halaga ng pwedeng ay nakadepende sa edad ng kliyente.  Ang minimum investment ay Php 50,000 samantalang ang maximum investment naman ay Php 2M.  Dahil ito ay may aspetong investment, mayroon itong kaakibat na risk.  Pag-aralan ko naman bukas kung ano ang mga ito.


Posted by dexterslab at 5:18 pm | permalink

Add a comment