Home » Archives » January 2008

Simple lang ang Mutual Fund

January 31, 2008

 Isang simpleng paraan para makapag invest ay ang mutual fund. Madaling maintindihan ang konsepto ng mutual fund. Mga investments ng indibidwal na investors ay pinagsama sama at pinapahawakan ito sa isang qualipikado at mahusay na fund manager. Ang fund manager ang nagsasagawa ng mga paraan kung saan ilalagay ang mga investment ng mutual fund company.

Kasalukuyan akong investor ng PhilEquity Mutual Fund. Ngayon ay magandang bumili ng mutual fund kasi ang stock market ngayon ay mababa. Siguradong mura din ang value ng PhilEquity ngayon.

Eto ang status ngayon ng psei.

Posted by dexterslab at 6:47 pm | permalink | comments[3]

PhilAm Money Tree

Madami din akong nagugol na oras sa paghahanap sa internet kung ano itong PhilAm Money Tree.  Pagtype mo sa google ang salitang "philam money tree" ang unang 2 links ay error lang ang lumalabas.  Yung mga sumunod naman ay pawang mga post sa mga forums nagtatanong din kung ano ang PhilAm Money Tree.  Sa mga na browse ko na site ito ang 2 na may maayos na impormasyon tungkol sa PhilAm Money Tree. (more…)

Posted by dexterslab at 5:18 pm | permalink | Add comment

Money Tree? Ano yun???

January 30, 2008

Kagabi habang gumagawa ako ng report, biglang pumasok sa isip ko na ayusin yung folder ng mga shares ko sa Sunlife and PhilEquity Mutual Fund.  Magdadalawang taon na kasi ang mga investment kung yun kaya gusto ko makita kung tumaas na ang halaga ng mga shares ko.

Napansin ako ng asawa ko na naghahanap habang hawak hawak ko ang isang certificate of shares galing sa PhilEquity.

"Love, may nakapag sabi sa akin na maganda daw ang PhilAm Money Tree.  Alam mo ba yun?", sabi nya sa akin.

"Ngayon ko lng narinig yun.  Ano daw yun?", tanong ko naman sa kanya. (more…)

Posted by dexterslab at 6:52 pm | permalink | Add comment

Investment Books and References

Sa lahat ng nais matutong tungkol sa investment, eto ang ilang articles at libro na pwede nyong basahin.

  1. Investment Management and the Philippine Stock Market (bought it at UP College of Business Administration)
  2. Bear/Bull by Mr. Ron Nathan, Phil Daily Inquirer
  3. Philequity Corner by Mr. Jimenez, PhilStar
  4. TECHNICAL ANALYSIS OF THE FINANCIAL MARKETS by John Murphy
  5. Trading for a Living by Alexander Elder
  6. Japanese Candlestick Charting - Second Edition by Steve Nison
  7. Beyond Candlesticks : New Japanese Charting Techniques Revealed by Steve Nison
  8. Elliot Wave Principle by Frost and Prechter
Posted by dexterslab at 9:43 am | permalink | Add comment

Random Acts of Kindness

January 29, 2008

Nakaraang araw napanood ko yung Evan Almighty sa DVD. Si Evan ay isang newscaster na tumakbo bilang kongresista sa US at ang kanyang plataporma ay "Change the World".  Dahil dito naihalal siya ngunit nang maupo sya sa Kongreso, nagbago sya at nakalimutan ang kanyang pangako sa mga mamboboto.  Isang araw nagpakita s kanya ang Diyos upang ipaalala sa kanya ang kanyang pangako.  Tinanong ni Evan ang Panginoon kung pano nya babaguhin ang mundo samantalang mag-isa lamang siya.  Sinabi ng Diyos kay Evan na ang pagbabago sa mundo ay nakasalalay sa mga "random acts of kindness" ng bawat indibidwal. (more…)

Posted by dexterslab at 2:37 pm | permalink | Add comment