My favorite advertisement lines:
Madalas itong nababasa kasama ang mga mutual funds at unit investment trust fund. Para sa akin medyo theoretical pa din ang konseptong ito.
Bakit “hedge” ang tawag dito?
Sabi ng wikipedia, hedge is an investment that is taken out specifically to reduce or cancel out the risk in another investment.
Hmmh…so less risky ba ito? Basta investment, inherent ang risk, pero mukhang ang hedge fund ay designed to minize ang risk.
Dagdag ng wikipedia,
Hedging is a strategy designed to minimize exposure to an unwanted business risk, while still allowing the business to profit from an investment activity
Isa sa mag halimbawa ng hedge fund ay ang forward contract. Ang forward contract ay
A contracted agreement specifying an amount of currency to be delivered, at an exchange rate decided on the date of contract.
Sa aking simpleng pang-unawa, isa itong kasunduan kung saan pinagkakasunduan kung magkano ang halaga ng currency na ibibigay sa exchange rate na pinagkasunduan ng bawat partido.
Habang ninanamnam ko ito, pumasok sa isip ko ang bagong promo ng SeaOil tungkol sa prepaid gas card.
Bakit ko kamo naisip ito? Para kasi itong hedge fund. Bumibili ka ng gasolina sa halagang napagkasunduan nyo at sa ganitong dami. Sabi ng SeaOil,
Price Lock Prepaid Fuel Card can be used to buy 20 liters of gasoline (G5 X-treme and Unleaded) from any SEAOIL participating stations. The selling period is from June 10-16, 2008. Each card costs P1,070 and is valid for 10 weeks (June 10 up to August 16, 2008).
Ang kagandahan nito, kapag nagkaroon ng roll back at ang halaga ng gasolina ay bababa sa halagang Php 53.50 kada litro, i-refund ng SeaOil ang mga unused (unscratched) fuel prepaid cards.
So, ito ba ay halimbawa ng isang hedge fund? Hmm…tingin ko.
Oppss! Tama may maganda din naman nangyayari sa Pinas. Eto kababasa ko lang na nakapasa na sa 3rd reading sa House of Representative ang PERA Bill or Personal Equity and Retirement Account (PERA) Bill. Ano ba ito??? Para malaman mo eto ang link: http://www.pse.org.ph/html/NewsRoom/pdf/pera_bill_3rd.pdf
Sa light talk, isang TV program sa ABC 5, naimbitahan sina Francisco Colayco, author ng "Pera Mo, Palaguin Mo", kasama ang iba pang experts sa personal finance. Isa sa mga usapan noon ay kung paano mo malalaman kung ang isang investment ay scam. Ang mga sumusunod ay kanilang mga tip:
1. The higher the return, the higher the risk. If promised return is very high at sinasabi na guaranteed ang interest, meaning "no risk", ito ay very risky.
2. Kung ang guaranteed interest ay above 2% per month or 24% per annum, mahirap na itong makamit. Dapat mag-isip isip ka na.
3. Kapag kelangan mong mag-recruit ng iba pang investor.
4. Kapag puro sinasabi ay matataas na interest ay di sinasabi ang mga risk na involve sa investment mo.
5. Kapag sinasabi nila na sila ang bahala sa pera mo at di ka binibigyan ng impormasyon kung paano gagamitin o i-invest ito.
May 3 magkakaibigan na ang mga pangalan ay Juan, Pedro at Jose. Sa 3 ito, si Juan pinakakuripot, este matipid (ehem..) samantala si Pedro ay laki sa layaw. Si Jose naman maingat sa kanya pera dahil nga sa padala pa ng erpats nya galing sa Dubai.
Isang araw nag-uusap sina Juan at Jose tungkol sa alkansyang nakuha nilang regalo noong pasko. Pinagyayabang ni Jose na may Php 2,000 na laman na ito. Si Juan naman may Php 5,000 na din. Pumunta ang usapan nila kung paano mapapalaki ang pera nila. Sabi ni Juan Kuripot, "Tol, deposito na lang natin para magka-interes!"
Nag-isip isip si Jose, sabi nya, "Pare, mababa ang interes sa bangko. Ano kaya kung magnegosyo na lang tayo?"
Nag-isip silang dalawa ng negosyo, dahil sa mahilig sila sa maglaro ng playstation, nagkasundo silang bumili ng playstation 2 at pa-upa na lang sa mga kaibigan nila.
Pumunta sila sa Megamall upang mag canvass ng presyo ng Playstation 2. Nalibot na nila lahat ng mga computer shop sa 4th Floor ng Megamall pero lahat ng halaga ng Playstation 2 ay di bababa sa halagang Php 9,000. Nanghihinaan na sila ng loob kung itutuloy pa nila ang balak nila. Habang nanlulumo sila, nagkataong napadaan si Pedro ang mayaman nilang kaibigan.
"Oh mga parekoy, whazz up!?", tanong ni Pedro. (more…)